^

PM Sports

Mga kritiko motibasyon ni Ces Molina

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Mga kritiko motibasyon ni Ces Molina

MANILA, Philippines — Para kay national team member Ces Molina, isang malaking karangalan ang mapabilang siya sa women’s volleyball national team na lumahok sa indoor volleyball ng nagdaang 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Isa ang kapitana ng Petron Blaze Spikers ng Philippine Superliga (PSL) sa 14-man roster na napili ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) na maging kinatawan ng bansa para sa biennial meet.

Aminado si Molina na hindi niya inaasahan na muli siyang mapapasama sa pambansang koponan at mabibigyan ng pagkakataon na maglaro para sa watawat na una niyang nagawa noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“Puwede akong maglaro ng international, nakakalaro ako pero hindi ganitong klase na tatawagin kang player ng Pilipinas talaga eh, ikaw ‘yung parang official player talaga. Sa akin, malaking karangalan ‘yun kasi never ko na mababalikan ‘yung ganiton sitwasyon eh,” sabi ni Molina.

Hindi rin naitago ng dating Lady Red Spi-kers mula sa San Beda University ang kanyang pasasalamat sa mga kritiko  na walang sawang kinuwestiyon at pinupuna ang kanyang kakayahan at pagkakasama sa pambansang koponan.

Ilang beses na rin na-ging usap-usapan sa social media ang opposite spiker at kung anu-anong masasakit na salita ang tinanggap nito pero pinagkibit-balikat niya lamang ito at ginawang motibasyon.

“Malaking tulong rin ‘yung criticism na nakuha ko before talaga kasi doon ka mago-grow. Hindi ko ‘yung tinake as negative talaga na ibaba ‘yung sarili ko,” litanya nito. “Hindi ako nagyayabang pero gusto ko rin patunayan ‘yung sarili ko sa ibang tao na nagda-doubt sa akin kasi hindi naman puwedeng lagi kong ipag-lalaban ‘yung bansa.”

Bagama’t walang na-ipanalo ni-isang laro sa kanilang kampanya sa SEAG ay nakita pa rin ni Molina ang malaking improvements ng Nationals dahil nagawa nitong makasabay sa mga powerhouse na tropa sa rehiyon at maibulsa ang dalawang bronze medals sa ASEAN Grand Prix.

CES MOLINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with