^

PM Sports

Bahay ampunan binisita ng Singapore team

Pang-masa

MANILA, Philippines — Binisita ng Singapore team ang isang bahay ampunan na “Duyan ni Maria’ sa Pampanga upang tulungan.

Labis ang kasiyahan ni Sr. Maria Alessandrina Casas, nagtayo ng bahay ampunan para da mga batang inabandona ng dumating ang mga atleta ng Singapore mula sa wakeboarding at sailing.

Nagbigay ang mga Singapore athletes ng $2,000 (P100,000) ng cash vouchers at pagkain.

Christmas is coming, we can bring some cheer to people who are less fortunate, sabi ni Singapore National Olympic Committee head Christopher Chan. It just took two to three days to crystallize the idea.

Laking pasasalamat naman ni Marlyn Dagama, executive director ng Duyan  na 32 taon nang itinataguyod ng 89-gulang na ngayong si Casas na nasa wheelchair na.

Lagi kaming kinakapos sa mantika kasi importante sa amin yun sa pagluluto ng pagkain nila (mga bata), natatawang sabi ni Duyan. “Mala­king tulong sa amin ‘yun [voucher] kung bibili kami ng pagkain ng mga bata,” sabi Dagama, adding that they are blessed to have sustainable funding from philanthropists based in Manila. “Masaya kami lalo na sa panahon ng krisis, makatutulong talaga.”

Sinabayan ito ng grupong “Quest na nagbigay naman ng laruan sa mga bata na nagbigay ngiti sa mga bata.

Ayon kay Dagama, maraming galing sa kanilang bahay ampunan ang naging matagum­pay na doctor, nurses at teachers kabilang si Dr. Jinky Gargar na regular na bumibisita sa kanila upang alagaan ang kalusugan ng mga bata.

 Ang pangarap namin makapagtapos ng pag-aaral yung mga bata ng college at mahanap nila yung family nila kung sakali, sabi ni Dagama.

DUYAN NI MARIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with