Pinoy water polo team sisimulan ang laban
MANILA, Philippines — Hangad ni national men’s water polo coach Rey Galang ang podium finish sa kanilang pagsagupa sa Indonesia sa paghataw ng 30th SEA Games water polo competitions ngayon sa New Clark City Aquatic Center sa Capas, Tarlac.
Nakatakda ang upakan ng Philippine team at Indonesia sa alas-7 ng gabi.
“Last time we placed fourth in the Malaysia SEA Games so now we’re aiming for a podium finish,” wika ni Galang.
Lalabanan ng Singapore ang defending women’s champion na Thailand sa alas-10 ng umaga kasunod ang laro ng Malaysia at Thailand sa men’s class alas-5 ng hapon.
May 3-1 marka ang Pinoy team noong 2017.
- Latest