^

PM Sports

Pagulayan umusad sa semis; Orcollo at Corteza sibak

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuloy ang matikas na kamada ni Filipino-Ca­nadian Alex Pagula­yan nang kumana ng dalawang sunod na panalo pa­ra umusad sa semifi­nals ng 2019 American 14.1 Straight Pool Championships na ginaganap sa Q-Masters Billiards sa Virginia Beach, USA.

Pinataob ng 2004 World 9-Ball champion na si Pagulayan si dating world titlist Ralf Souquet sa second round sa pamamagitan ng 150-85 demolisyon bago ilampaso si Jani Siekkonen sa quarterfinals sa iskor na 150-14.

Sunod na makakaha­rap ni Pagulayan si Mar­co Teustscher sa event na may nakalaang ka­buuang $42,000 premyo tampok ang $10,000 sa magkakampeon.

Ginulantang ni Teutscher sina veteran in­ternational campaig­ners David Alcaide sa quarterfinals (150-9) at Mika Immonen sa se­cond round (150-32).

Namaalam naman sa kontensyon sina two-time world champion Den­nis Orcollo at Lee Vann Corteza matapos lumasap ng kabiguan sa second round.

Yumuko si Orcollo kay four-time World 14.4 Straight Pool titlist Thorsten Hohmann, 89-150, sa second round.

May first round bye si Orcollo.

Sa kabilang banda, nagtala muna si Corteza ng 150-96 panalo kay Petri Makkonen sa first round bago matalo kay Max Lechner sa second round (60-150).

ORCOLLO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with