^

PM Sports

Ramirez tiwala sa Pinoy Athletes

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang likas na pagkakaroon ng katapangan ng mga Pinoy ang inaasahang matutunghayan sa bawat event ng darating na 30th Southeast Asian Games na pamamahalaan ng Pilipinas sa Nobyembre.

Naniniwala si Philippine Sports Commission chairman at Chef de Mission William ‘Butch’ Ramirez na lalaban ng patayan ang mga Filipino athletes para sa minimithing gold medal sa biennial event.

“I have faith in our national athletes. Lahi tayo ng mga bayani,” deklarasyon ni Ramirez.

Ngunit hindi lamang ang katapangan ang dapat ipakita ng mga Pinoy athletes sa 2019 SEA Games, ayon kay Ramirez, isang teacher at coach.

 “I value the values that will result from their participation in this Games.  The discipline, dedication and patriotism that this will awake in their spi-rits are as valuable as gold,” paliwanag ni Ramirez.

Sa idinaos na 4th Coordination Meeting for Team Philippines ay iginiit ni Ramirez ang pagkakaroon ng mga Pinoy ng pagkakaisa, “we are all Team Philippines,” aniya.

Kumpiyansa ang two-time Chef De Mission na maduduplika ng bansa ang nakamit na overall champion noong 2005 Manila SEA Games.

Dalawang malaking hamon ang haharapin ng bansa sa 2019 SEA Games edition.

Ito ay ang maayos na pamamalakad sa mga events bilang host at ang pagbibigay ng mga Pinoy athletes ng kanilang makakaya para makuha ang overall championship.

Bilang suporta sa mga atleta ay nagpaluwal ang sports agency ng P600 milyon para sa mga SEAG-related trainings, competitions at expenses ng mga national sports associations at isa pang P600 mil-yon para sa training supplies at equipment.

“There will be a substantial amount of money which will be spent for our national team as well as for the hosting,” sabi ni Ramirez.

 

RAMIREZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with