Gilas program director si Baldwin?
MANILA, Philippines — Hindi head coach kundi mas malaking responsibilidad ang nakatakdang ibigay ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) kay Ateneo mentor Tab Baldwin.
At ito ay walang iba kundi ang Gilas Pilipinas program director na siyang mangangasiwa ng buong programa ng Philippine men’s national basketball team kabilang na ang sistemang gagamitin gayundin sa pagpili ng players.
Matatandaang lumu-tang ang pangalan ni Baldwin kasama sina Alab Pilipinas tactician Jimmy Alapag at Ginebra coach Tim Cone bilang susunod na head coach ng Gilas Pilipinas matapos ang pagbibitiw ni Yeng Guiao.
Ngunit program director ang posibleng ma-ging posisyon ni Baldwin na krusyal sa misyon ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na makabuo ng programang maghahanda sa bansa hindi lamang sa nalalapit na 2023 FIBA World Cup hosting kundi gayundin sa pagpasok sa 2027 FIBA World Cup.
Posible ring si Baldwin, naging Gilas coach na noong 2015 FIBA Asia Championships at 2016 FIBA Olympic Qualifying Tournament, ang ma-nguna sa bubuuing pool na siyang maghahanap at mamimili ng susunod na head coach kasama ang ex-Gilas mentor din na si Chot Reyes.
Si Baldwin din ang mamamahala sa paghasa at pagpapahinog pa sa mga susunod na Gilas Pilipinas squad sa pangu-nguna ng mga top cadets ngayon na sina Kai Sotto, AJ Edu, ayon mismo kay SBP Chairman Emiritus Manny V. Pangilinan.
Kasali rin dito ang iba pang collegiate standouts na sina Thirdy Ravena at Isaac Go ng Ateneo, Kobe Paras, Ricci Rivero at Juan Gomez De Liano ng UP, Justine Baltazar ng La Salle, CJ Cansino, Mark Nonoy at Rhenz Abando ng UST gayundin si Valandre Chauca ng Adamson.
Dahil dito, lalong umugong ang pangalan ni Cone bilang nangungunang kandidato na ma-ging Gilas head coach hindi lamang para sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games kundi gayundin sa buong programa ng Gilas pati ang 2023 FIBA World Cup.
- Latest