^

PM Sports

Pasok sa 2nd round si Eala

Chris Co - Pang-masa
Pasok sa 2nd round si Eala

MANILA, Philippines — Patuloy ang panana­lasa ni tennis sensation Alexandra Eala matapos ilampaso si Annerly Poulos ng Australia, 6-1, 6-2, sa first round ng 2019 US Open juniors tournament girls’ singles sa Billie Jean King Tennis Center Court 4 sa New York.

Inilabas ni Eala ang matikas na baseline game para mabilis na patumbahin ang mas matandang Australian bet sa larong tumagal lamang ng 57 minuto.

Nagtala ang 14-an­yos na Pinay netter ng apat na break points, habang mayroon siyang 20-of-25 (80%) percentage sa first serve at 16-of-28 (57%) sa second serve kontra sa 71% at 18% lamang ni Poulos na kasalukuyang No. 49 sa world ranking ng International Tennis Fe­deration.

Nasa ika-114 naman si Eala na inaasahang aa­ngat pa sa oras na maisama ang puntos na makukuha niya sa US Open.

Nakakuha pa si Eala ng 26-of-50 (52%) sa re­ceiving points laban sa 17-of-53 (32%) ni Poulos.

Nakagawa ng anim na unforced errors si Poulos.

Makakatapat ni Eala sa second round si Mai Na­patt Nirundorn ng Thai­land na na­naig laban kay eighth seed Hur­rican Tyra Black ng Amerika, 1-6, 5-2 (ret.).

Ito ang ikatlong panalo ni Eala sa Grand Slam event matapos pataubin sina Kimmi Hance ng Amerika, 6-3, 7-5, at top seed Romana Cisovska ng Slovakia, 6-3, 6-0, sa qualifying round.

Nahasa nang husto ang laro ni Eala sa kanyang pagsasanay sa Ra­fa­­el Nadal Academy ni Grand Slam champion Ra­­fael Nadal.

ALEXANDRA EALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with