Pahinga muna ang Mighty Sports
MANILA, Philippines — Garahe muna ang Mighty Sports hanggang ngayong araw bago sumabak muli sa askyon upang ipagpatuloy ang perpektong kampanya sa 41st William Jones Cup.
Pahinga at walang laro ang Philippine representatives simula pa kahapon matapos ang limang sunod na araw na pagsalang sa Asian invitational crown na ginaganap sa Changhua County Gymnasium sa New Taipei City sa Taiwan.
Magbabalik aksyon ang Mighty Sports bukas, sa alas-3 ng hapon kontra sa Indonesia.
Sa pangunguna ng mga batikang imports na sina Renaldo Balkman at Eugene Phelps, kumaripas sa limang sunod na tagumpay ang Mighty upang masolo ang unahan ng eight-team tournament tangan ang malinis na 5-0 kartada.
Tinambakan ng Go For Gold-backed squad ang Iran (98-72), Jordan (90-76), Japan (94-59) at Canada (116-87).
Kamakalawa lang ay nasubok ng South Korea ang koponan bago makaeskapo tangan ang 89-82 tagumpay.
Dahil dito ay nasa magandang puwesto ang Mighty Sports na ma-sweep at maibulsa ulit ang Jones Cup crown na napanalunan ng Pinoy Team noong 2016, tatlong laro pa ang nalalabi.
Matapos ang laban sa Indonesia, sasalang ang Gilas Pilipinas kontra sa home teams na Chinese Taipei A at Chinese Taipei B sa Sabado at Linggo, ayon sa pagkakasunod, para sa tsansang mawalis ang Jones Cup.
- Latest