Barrios humanga kay ‘Pacman’
MANILA, Philippines — Humanga nang husto si World Boxing Council (WBC) welterweight champion Mario Barrios sa husay ni Manny Pacquiao.
Masaya si Barrios na nakalaban nito ang isang boxing legend na tulad ni Pacquiao.
“It was an honor to be in there with a legend like Pacquiao. I’m going to take this fight and keep on growing,” ani Barrios.
Nagtapos ang laban via majority draw noong Linggo sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas.
Subalit aminado ito na hindi naging madali ang pinagdaanan nito kay Pacquiao.
Naramdaman ni Barrios ang bagsik ng kamao ni Pacquiao na hindi matatawaran sa lakas.
Bukod pa rito ang bilis at liksi ng Pinoy champion sa buong 12-round fight.
Kaya naman hindi maitago ni Barrios ang paghanga nito sa legendary Pinoy pug.
- Latest



















