^

PM Sports

Milby, Fernandez itinalagang DCDM

Francisco Cagape - Pang-masa

MANILA, Philippines – Itinalaga sina Ada Milby ng rugby association at Stephen Fernandez ng taekwondo bilang Deputy Chefs De Mission ng Team Philippines para sa 2019 Southeast Asian Games na gaganapin dito sa bansa ngayong Nobyembre 30 hanggang sa Disyembre 11.

Ang 35-anyos na si Milby, ang unang babae na naging miyembro ng World Rugby Council at si 1988 at 1992 Olympian Fernandez ang maglilingkod katabi ni Chief of Mission William Ramirez sa inaasahang mahigit 1,500-man Team Philippines sa Sea Games.

Kasama rin ni Ramirez, Milby at Fernandez sina Philippine Sports commissioners Ramon Fernandez, Celia Kiram, Arnold Agustin at Charles Maxey sa pag-aasikaso sa mga national athletes na tinatarget ang overall championship sa 11-nation multi-event meet.

Bukod sa New Clark City sa Capas, Tarlac bilang main hub, ang ibang venues ng 30th Sea Games ay sa Subic, Metro Manila, Batangas, La Union, Bulacan, Tagaytay at Metro Manila kung saan gaganapin ang basketball sa MOA Arena, volleyball sa Philsports sa Pasig City at boxing sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.

“Stephen will be the Senior DCDM,” pahayag ni Ramirez na siya rin ang chairman ng Philippine Sports Commission.

Kabilang sa mga importanteng responsibilidad ng DCDMs ay ang pag-monitor sa training ng mga atleta at pakikipag-coordinate sa POC, PSC at NSAs  sa mga kakailanganin ng mga atleta at mga opisyales ng buong delegasyon.

 

 

MILBY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with