^

PM Sports

Rondina, Lacuna UAAP top athletes

Chris Co - Pang-masa
Rondina, Lacuna UAAP top athletes

MANILA, Philippines — Pinangalanan sina University of Santo Tomas volleyball superstar Sisi Rondina at Ateneo de Manila University swimming stalwart Jessie Khing Lacuna bilang Athletes of the Year sa pagtatapos ng UAAP Season 81.

Nagpasiklab si Rondina sa team sports category.

Dinala ni Rondina ang Tigresses sa ikatlong sunod na beach volleyball crown kalakip ang ikaapat na season MVP award.

Sa indoor volleyball, tinulungan ng Compostela, Cebu native ang UST sa runner-up finish sa women’s volleyball tournament habang nakuha rin nito ang season MVP honors.

Naramdaman din si Rondina sa international arena nang makipagsanib-puwersa ito kay Dzi Gervacio sa pagkuha ng fifth place finish sa FIVB Beach Volleyball World Tour Manila Open 1-star noong nakaraang taon.

“Blessed and ‘di ko rin inexpect na sa akin mapupunta. Thank you. Siguro, para sa lahat ng teammate ko to. Nakaka-surprise talaga siya,” ani Rondina.

Sumalo sa pagkilala ang graduating student-athlete na si Lacuna.

Ito ang ikalawang AOY ni Lacuna na nakuha ang parehong pagkilala noong 2016 kasama sina Ian Lariba ng De La Salle table tennis, Alyssa Valdez ng Ateneo women’s volleyball at Queeny Sabobo ng Adamson softball.

Makulay na tinapos ni Lacuna ang kanyang collegiate career tangan ang kabuuang 35 gintong medalya.

Nakuha rin ng Ateneo ang Athlete of the Year plums sa juniors division kung saan iginawad ito kina basketball sensation Kai Sotto at young tanker Philip Joaquin Santos.

Kinilala rin ng UAAP ang athlete-scholars na sina Jed Colonia ng Adamson University men’s basketball, Reagan Gavino ng Ateneo women’s swimming, Jam Arribas ng De La Salle softball, Josefa Ligmayo ng Far Eastern University women’s athletics, Jack Danielle Animam ng National University women’s basketball, Allaine Cortey ng University of the East women’s fencing, Mae Bernal ng UST fencing at Nikki Oliva ng University of the Philippines women’s taekwondo.

Nakuha ng UST ang ika-43 general championship crown.

Sa juniors division, ibinulsa rin ng Tiger Cubs ang overall title-- ang ika-19 general championship ng UST.

Ipinasa naman ng NU ang hosting duties sa Ateneo.

JESSIE KHING LACUNA

SISI RONDINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with