Agawan sa 2-1 bentahe
MANILA, Philippines — Kumpara sa Game One ay naging malamya ang fieldgoal shooting ng mga Hotshots sa kanilang 101-108 kabiguan sa mga Beermen sa Game Two noong Biyernes.
Nagtala naman ang nagdedepensang San Miguel ng mas magandang 35-for-82 fieldgoal shooting bukod pa sa 12-of-42 clip sa three-point range at nakakolekta ng 21 points buhat sa 18 turnovers ng Magnolia.
“Naging mataas ang percentage ng shooting nila,” wika ni Hotshots coach Chito Victolero sa Beermen. “Marami rin kaming turnovers. Kaila-ngan naming mas ma-control.”
Pag-aagawan ng San Miguel at Magnolia ang 2-1 bentahe sa Game Three ng 2019 PBA Philippine Cup Finals ngayong alas-6:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Inangkin ng Hotshots ang Game One, 99-94 laban sa Beermen, nakakuha kay five-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 35 points at 21 rebounds.
Sa pagresbak ng San Miguel ay naging balanse ang kanilang opensa kung saan umiskor sina Fajar-do at veteran point guard Alex Cabagnot ng tig-16 points habang may tig-15 markers sina Chris Ross at Marcio Lassiter.
Nagdagdag naman ng tig-13 points sina one-time PBA MVP Arwind Santos, Fil-German forward Christian Standhardinger at three-time scoring champion Terrence Romeo.
Hindi natapos ni Romeo ang Game Two matapos masibak sa laro sa huling 6:23 minuto ng fourth quarter mula sa dalawang sunod na technical fouls dahil sa malakas na chest pass at pagmumura sa isang referee.
“Of course, this is a basketball game, sometimes nalalamangan ka minsan hindi. Given na iyan,” sabi ni Beermen mentor Leo Austria kay Romeo. “But we will tell him it’s not the way to win games especially if you’re leading by as much as 18 or 19 points.”
- Latest



















