^

PM Sports

Almazan babalik sa playoffs

Andrew Dimasalang - Pang-masa
Almazan babalik sa playoffs

MANILA, Philippines — Umiinda pa rin ng left ankle sprain injury si Rain or Shine big man Raymond Almazan suba-lit ipinangakong babalik sakto sa playoffs ng idinaraos na 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup.

 Ito ang sinigurado ng 6’8 na sentro matapos ang 8-3 na kampaya ng Elasto Painters sa pagwawakas ng kanilang elimination round schedule.

 Ang ROS ang unang nakatapos ng laro sa PBA Philippine Cup na siyang magbibigay ng panahon upang makapagpagaling pa ng kanyang injury.

 “Sa playoffs pa ko babalik. Ayoko muna madaliin,” ani Almazan matapos ang 88-85 na panalo ng ROS kontra sa Meralco kamakalawa ng gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

 “Sure na ‘yun sa playoffs, makakalaro na ako. Buti matagal pa naman pa playoffs.”

Nagsimula nang mag-ensayo si Almazan sa koponan nitong linggo subalit hindi pa sumasali sa full contact drills dahil nakatakda pa siyang sumailalim sa isa pang evaluation sa susunod na linggo bago tuluyang makabalik.

“Nag-eensayo naman na ako kaso ‘di pa full practice. I-injectionan pa kasi next week. Makakapagpahinga pa ako,” pagtatapos niya.

 Ito ang ikatlong injury ni Almazan sa naturang sakong na naging injury na rin niya noong nakaraang season.

vuukle comment

ALMAZAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with