^

PM Sports

Painters nagbago ng laro

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sinisi ni coach Caloy Garcia ang kawalan ng ‘team play’ ng kanyang Rain or Shine na naging dahilan ng kanilang dalawang sunod na kamalasan.

“Medyo after the long break sabi ko sa ka­nila nag-iba na ‘yung ugali nila, parang na­ging sel­fish-minded sila,” reklamo ni Garcia.

Ang tinutukoy ni Garcia ay ang two-week break ng PA para sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa sixth at final round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ang ikalawang dikit na kabiguan ng Elasto Painters ay ipinalasap ng kontra-pelong Columbian Dyip, 85-82, noong na­karaang Miyerkules.

Ito ang ikaapat na sunod na panalo ng Columbian sa kanilang pagtutu­os ng Rain or Shine.

Mula sa dating pagsosolo sa liderato ay nahulog ang Elasto Painters sa ikalawang puwesto sa ila­lim ng Phoenix Fuel Mas­ters.

Ang huling laro ng Rain or Shine ay laban sa Meralco sa Marso 15.

“We have to go hard against Meralco if we want a chance to get one of the Top Two spots,” ani Garcia.

 

vuukle comment

PAINTERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with