Olynyk inangat ang Miami
CHARLOTTE, N.C. — Naglista si forward Kelly Olynyk ng 22 points at 11 rebounds habang humakot si center Hassan Whiteside ng 18 points at 15 boards mula sa bench para banderahan ang Miami Heat sa 91-84 panalo kontra sa Charlotte Hornets.
Binasag ng Heat ang kanilang pagkakatabla ng Hornets sa eighth spot sa Eastern Conference.
Nagsalpak si Olynyk ng 8-of-14 fieldgoal shooting kasama ang 5-of-7 clip sa three-point arc para sa ikatlong sunod na arangkada ng Miami.
Tumapos naman ang magreretiro nang si Dwyane Wade na may 8 points at 6 assists para sa Heat. Pagkatapos ang laro ay nakipagpalit ng jersey kay Hornets star Kemba Walker sa midcourt.
Sa Atlanta, tumipa si center LaMarcus Aldridge ng 32 points at lumayo ang San Antonio Spurs sa dulo ng fourth quarter para biguin ang Hawks, 111-104.
Ito ang ikaapat na sunod na arangkada ng Spurs.
Tinulungan ni Derrick White ang San Antonio sa pagkapit sa final playoff spot sa Western Conference nang magsalpak ng isang three-pointer kasunod ang dalawang basket para makawala sa Atlanta, 98-93.
Tumapos si White na may 18 points at 9 assists. Pinamunuan ni guard Trae Young ang Atlanta mula sa kanyang 24 points mula sa mahinang 8-of-24 fieldgoal shooting.
Sa Detroit, nagtala si big man Andre Drummond ng 31 points at 15 rebounds para ihatid ang Pistons sa 131-114 panalo sa Minnesota Timberwolves.
Ipinoste ni Drummond ang kanyang pang-16 sunod na double-double — ang second-longest streak sa franchise history ng Detroit matapos maglista ng record na 18 sa nakaraang season.
Nag-ambag si Luke Kennard ng 21 points para sa Pistons na naipanalo ang 10 sa kanilang huling 12 laro.
Nalasap ng Timberwolves ang ikaapat na talo sa huling limang laban.
- Latest