^

PM Sports

Millsap nakatulong sa panalo ng nuggets

Pang-masa
Millsap nakatulong sa panalo ng nuggets
Sinupalpal ni center Nikola Jokic ng Denver Nuggets ang tira ni Los Angeles Clippers’ forward Jonathan Motley.

DENVER -- Hindi pinayagan ni Paul Millsap na makaapekto sa Nuggets ang pagkaka­la­gay ni center Nikola Jo­kic sa foul trouble.

Tinulungan ni Millsap ang Denver na talu­nin ang bisitang Los Angeles Clippers, 123-96, mula sa kanyang vin­tage performance.

Tumapos si Jokic na may 22 points at 16 re­bounds, habang nagdag­dag si Millsap ng 21 points at 16 boards para sa Nuggets.

“I feel great,” wika ni Millsap, nagkaroon ng sore right ankle. “Ha­ving that break was definitely beneficial.”

Ang nasabing panalo ang nagdikit sa Nuggets sa Western Conference-leading Golden State Warriors.

Nagtala naman si guard Lou Williams ng 24 points kasunod ang 19 markers ni Danilo Gallinari sa panig ng Clip­pers.

Sa Toronto, humataw si Terrence Ross ng 28 points, habang ku­molekta si big man Ni­kola Vucevic ng 23 points at 12 rebounds pa­ra pamunuan ang 113-98 panalo ng Orlando Ma­gic laban sa Raptors.

Winakasan ng Orlando ang seven-game winning streak ng Toronto.

Nag-ambag si Jonathan Isaac ng 16 points kasunod ang 12 markers ni D.J. Augustin para sa ikaanim na panalo ng Ma­gic sa huli nilang pitong laban.

“This is the part of the season where you’ve got to move forward, no matter what,” sabi ni Ross matapos ang 109-110 home loss ng Orlando kontra sa Chicago Bulls noong Biyernes na pumigil sa kanilang five-game winning run.

Ipinahinga ng Raptors si forward Kawhi Leonard na maglalaro sa Martes laban sa Eastern Conference rival Boston Celtics.

Sa New York, kuma­big si Damyean Dot­son ng 27 points at ti­napos ng Knicks ang ka­nilang franchise-record home losing skid sa 18 games mula sa 130-118 pa­nalo kontra sa San An­tonio Spurs.

Nagposte sina Kevin Knox, Dennis Smith Jr. at Emmanual Mudiay ng tig-19 points para sa unang home victory ng New York simula noong Disyembre 1 laban sa Milwaukee Bucks.

Naglista naman si De­­Mar DeRozan ng 32 points at 9 boards para sa Spurs.

vuukle comment

MILLSAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with