^

PM Sports

Mga dating PBA players magkakasubukan

Andrew Dimasalang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipapasilip ng mga alamat ang nakaraan sa ba­gong henerasyon sa banggaan ng mga klasikong ko­ponan na San Miguel Beer at Alaska gayundin ang Barangay Ginebra at Purefoods sa ‘Return of the Rivals’ sa Smart Araneta Coliseum.

Unang magbabanggaan ang Beermen at Milkmen ngayong alas-4:30 ng hapon.

Matapos ito ay gigiyahan naman nina Robert Ja­­worski, Sr. at Ramon Fernandez ang Gin Kings at Hotdogs, ayon sa pagkakasunod, bilang mga coaches sa ‘Manila Clasico’ sa alas-7 ng gabi.

Matalik na magkasangga noon sina Jaworski at Fernandez para sa Toyota sa kasagsagan ng ka­nilang rivalry kontra sa Crispa noong 1970s.

Subalit nagkahiwalay sila ng landas nang ma-bu­wag ang parehong koponan hanggang mapadpad ang dating Senador sa Ginebra noong 1984 bilang playing coach.

Si Fernandez, ngayon ay Commissioner ng Philippine Sports Commission, ay naglaro muna sa Manila Beer at Tanduay bago kunin bilang pla­ying coach ng expansion team na Purefoods noong 1988 upang maging karibal ni Jaworski na siyang naging simula ng ‘Manila Clasico’.

Ang ‘Return of the Rivals’ ay isang charity event ng PBA Legends Foundation para matulu­ngan ang mga may sakit at retirado nang players.

Gigiyahan nina four-time MVP Alvin Patrimonio, Jerry Codiñera, Ronnie Magsanoc at Bong Ra­vena ang Purefoods katapat sina Marlou Aquino, Bal David, Noli Locsin, Rudy Distrito at Vince Hizon ng Ginebra.

 

MAGKAKASUBUKAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with