Adornado may misyon sa Blackwater
MANILA, Philippines – Hindi pa tapos ang alamat ni William ‘Bogs’ Adornado sa Philippine Basketball Association.
Bagama’t matagal nang retirado, nagbabalik siya ngayon sa liga para sa isang mas mahalagang misyon na maging gabay ng mga batang manlalaro bilang pinakabagong shooting coach ng koponang Blackwater Elite.
Isa sa pinakamagaling na shooter at manlalaro sa 43-taong kasaysayan ng liga, masaya ang 67-anyos na si Adornado sa bago niyang posisyon.
“I’m happy to be back. I’m so pleased that the management are treating me with respect and the same with the players. These players have good attitude and character,” ani Adonardo, dating three-time PBA MVP.
Naatasan si Adornado bilang shooting mentor ng promising Elite core nina Allein Maliksi, Mike DiGregorio, Mac Belo, Roi Sumang, Gelo Alolino at rookie na si Paul Desiderio.
Subalit higit sa shooting, ‘consistency’ aniya ang nais na ituro ng Crispa Redmanizers legend na si Adornardo na aniya’y kulang sa mga mas athletic na manlalaro ngayon
“Nakikita ko mas consistent kami noong araw. Pero the players now are taller, faster and also athletic. And they’re also physically fit. But still lacks in consistency,” dagdag ng kauna-unahang PBA MVP noong 1975.
Ayon kay Adornado na miyembro rin ng 25 PBA Greatest Players, consistency at fundamentals ang naging alas nila noong araw kahit pa hindi ganoon kalalaki at ka-athletic tulad ng mga manlalaro ngayon — bagay na nais niyang ituro.
“Dati mabibilang mo lang ‘yung mga athletic. Mas malalaki now. Kita mo ngayon malaki, 7-footer, eh kami 6’5, 6’6 na malalaki during our time. Guidaben was only 6’5, hindi pa athletic,” aniya. But consistency is key, if you’re a good player, you have to be consistent the entire season.”
Sa kanyang pagbabalik, bukas din aniya si Adornado na tulungan ang national team na Gilas Pilipinas lalo’t dati rin siyang national team player nang pagharian ng Pilipinas ang International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup noong 1973.
“Ang plano ko talaga is to be able to share my expertise and my experience,” ani Adornado.
- Latest

















