Blackwater maaasahan si Abu Tratter
MANILA, Philippines — Mukhang hindi iindahin ng Blackwater ang pagkawala ng prized big man nito na si John Paul Erram.
Ito ay matapos patunayan ng rookie na si Abu Tratter ang kanyang kakayahan at kahandaan na punan ang mga malala-king sapatos ni Erram sa kampo ng Elite ngayong 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup.
Napili bilang seventh overall pick sa 2018 PBA Annual Rookie Draft noong nakaraang buwan, nagpasiklab agad ang 6’6 na si Tratter sa itinalang 18 puntos, siyam na rebounds, dalawang assists, dalawang steals at dalawang tapal sa kanyang Elite debut.
Ayon kay Tratter, produkto lang aniya ang magandang unang laro sa PBA ng kanyang hardwork bilang isang indibidwal na manlalaro.
“I think for me as an individual, I think I played up to the amount of work I put in the gym,” anang dating big man ng De La Salle University. “I have my own individual goals as well as filling in the blanks left by JP Erram. Coming into the game I was level-headed. I knew what I needed to do. Coach told me what my assignment was and I executed it.”
Matatandaang orihinal na pick ng NLEX si Abu Tratter bilang seventh pick gayundin si Paul Desiderio na sorpresa namang nakuha bilang fourth overall pick.
Hindi pa man din nagtatagal sa kampo ng Road Warriors, naitulak na agad papuntang Blackwater ang dalawang rookies kapalit ang national team big man na si Erram na nakasama sa NLEX ang kanyang Gilas Pilipinas mentor na si Yeng Guiao.
Tiwala si Tratter na maganda pa rin ang kanyang napuntahang koponan at pasasaan pa’t makukuha rin ang che-mistry lalo’t panay batang manlalaro ang kasama nila ni Desiderio sa kampo ng Elite.
- Latest