Ika-2 sunod na panalo sinuwag ng Bucks
MILWAUKEE — Kumamada si Damian Lillard ng 26 points habang nagkuwintas si Giannis Antetokounmpo ng 25 points, 16 rebounds at 8 assists sa 121-105 paggupo ng Bucks sa San Antonio Spurs.
Nagdagdag si Brook Lopez ng 22 points kasama ang 17 sa first half at may tig-14 markers sina AJ Green at Gary Trent para sa ikalawang sunod na ratsada ng Milwaukee (19-16).
Pinamunuan ni Keldon Johnson ang San Antonio (18-19) sa kanyang 24 points habang may 18, 14 at 11 markers sina Chris Paul, Harrison Barnes at Devin Vassell, ayon sa pagkakasunod.
Humakot si 7-foot-3 Victor Wembanyama ng 10 points, 10 rebounds at 3 blocks para sa Spurs na nahulog sa isang 13-point deficit sa pagtatapos ng third period.
Ipinoste ng Bucks ang isang 26-point lead sa fourth quarter para selyuhan ang panalo.
Sa New York, bumira sina Karl-Anthony Towns at OG Anunoby ng tig-27 points sa 112-98 panalo ng Knicks (25-13) sa Toronto Raptors (8-29).
Sa Cleveland, naglista si Jarrett Allen ng 25 points at may 21 markers si Evan Mobley sa 129-122 pagtuhog ng Cavaliers (32-4) sa Oklahoma City (30-6) na tumapos sa 15-game winning streak ng Thunder.
Sa Indianapolis, nagposte si Pascal Siakam ng 26 points sa 129-113 pagpapatumba ng Indiana Pacers (20-18) sa Chicago Bulls (17-20).
- Latest