Frayna babandera para sa Pinas
MANILA, Philippines — Babanderahan ni Woman Grand Master Janelle Mae Frayna ang mga local players sa pagsulong ng 17th Asian Continental Chess Championships (2nd Manny Pacquiao Cup) bukas sa Tiara Hotel sa Makati City.
Si Frayna, ang highest ranked woman player sa bansa sa kanyang rating na 2228, ang ipaparada ng bansa laban sa mga kagaya nina Chinese WGM Guo Qi at WGM Wang Jue at WGM Padmini Ruot ng India.
“It will be a great opportunity for me to compete against the best in the Asian region and hopefully make our country proud,” sabi ng 25-anyos na si Frayna.
Si Guo ang may highest rating na 2368 sa torneo at nanalo sa team at individual silver medal winner noong 2014 World Chess Olympiad sa Tromso, Norway, habang sina Wang at Ruot ay No. 2367 at 2341, ayon sa pagkakasunod.
Gagamitin ni Frayna ang nasabing nine-round tournament, may basbas ni National Chess Federation of the Philippines president Butch Pichay katuwang si Sen. Manny Pacquiao at Philippine Sports Commission, para makakolekta ng rating points patungo sa pagiging kauna-unahang Filipina na nakakuha ng GM title.
Ang magrereyna ang makakakuha ng GM norm bukod pa sa tiket para sa Women’s World Championship na may premyong US$6,000.
Samantala, sina GMs Darwin Laylo, John Paul Gomez at Joey Antonio ang magdadala sa laban ng bansa sa men’s division kasama sina International Masters Paulo Bersamina, John Marvin Miciano, Haridas Pascua at Jan Emmanuel Garcia.
- Latest