^

PM Sports

Saso nagpatibay ng tsansa sa medalya sa 3rd YOG

Pang-masa

BUENOS AIRES – Kung may sasandalan ang Team Philippines para sa medalya sa 3rd Olympic Youth Games ito ay sina golfers Yuka Saso at Carl Jano Corpus.

Humataw ang 17-anyos na si Saso, ang reigning Asian Games individual champion, ng one-over-par 71 sa 54-hole tournament para palakasin ang pag-asa sa medalya sa Hurlingham Club dito.

“I’m happy with my round. I’m okay,” sabi ng Fil-Japanese golfer na pumitas sa individual at team gold medals sa nakaraang 18th Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Tatlong strokes ang layo ni Saso kay Alesia Nobilio ng Italy, naglista ng 68, para makasosyo sina Maria Fernanda Martinez Almeida ng Mexico, Emille Oeveraas ng Norway, Grace Kim ng Australia at Hoyu An ng Chinese-Taipei.

Naglista rin si Corpus ng 71 at tumabla sa fifth place kasama ang tatlo pang golfers.

Samantala, yumukod si Filipino fencer Lawrence Tan kay Pak Chan ng Hong Kong, 15-11.

Nauna nang dinaig ni Tan ang mga fencers mula sa Australia at Italy, habang natalo naman siya sa Chinese-Taipei, Portugal at France sa final 16.

Sa swimming, hindi nakasama si swimmer Nicole Oliva sa 800m freestyle finals sa kanyang oras na 8:52.29 para sa third place sa kanyang heat.

Sa kiteboarding, lumagay si Christian Tio sa second, fifth at eighth place sa tatlong karera.

OLYMPIC YOUTH GAMES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with