^

PM Sports

FCVBA teams uuwing luhaan

Pang-masa

HAT YAI, Thailand – Nakalasap ang 60-and-under team ng Filipino-Chinese Veterans Basket­ball Association (FCVBA) ng 69-86 kabiguan la­ban sa Pontianak Meteors ng Indonesia sa championship game ng ASEAN Basketball Veterans Tour­nament noong Biyernes sa Prince Songkla Uni­versity gym dito.

Ito ang pinakamasamang kabiguan ng FCVBA 60-under squad matapos ang impresibong average winning margin na 17.25 points sa kanilang unang apat na sunod na panalo.

Nabigo ang tropa na makumpleto ang ‘four-peat’ sa torneo.

Matapos ang dikitang first half action ay kumawala ang mga In­donesians sa third pe­­riod para talunin ang mga FCVBA dribblers.

Ganap na nakuha ng Pontianak Meteors ang 64-47 kalamangan papasok sa payoff period.

Ilang mahalagang free throws ang naimin­tis nina Elmer Reyes, ex-La Salle star Kenneth Yap, Danny Ching, Aries Franco at Elmer Latonio.

Samantala, tinalo ng FCVBA 65-and-under team, suportado rin nina Terry Que ng Rain or Shine, Eduard Tio ng Freego at Jimi Lim ng Ironcon Builders, ang Mi­ri ng Malaysia, 47-37, para pumangatlo.

LUHAAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with