Sino ang susunod na
Dahil magbibigay daan ang PBA Governors Cup sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa September window ng FIBA World Cup qualifier, sasamantalahin ng PBA board of governors na isagawa sa panahong ito ang kanilang annual planning session.
Tutulak sila patungong Las Vegas, Nevada ngayong umaga upang doon isagawa ang kanilang pagpupulong na pangungunahan ni board chair Ricky Vargas.
Ang katanungan ay kung gaganapin na rin nila doon ang kanilang annual election of officers samantalang hindi pa tapos ang 2017-18 PBA season.
Nakalinya si Dickie Bachmann sa order of rotation na susunod na mamumuno sa PBA board, pero may ugung-ugong na may mga governors na may planong i-extend ang mandato ng kasalukuyang chairman.
Ito ang maaaring isang masalimuot na usapan sa planning session.
Balik-Pinas ang karamihan sa grupo bago ang laban ng Gilas kontra Iran at Qatar sa FIBA WC eliminator.
***
Makikipagbakbakan ang Gilas kina Hamed Haddadi at Team Iran sa Tehran sa Sept. 13 at haharapin ang Qatar sa closed-door venue sa ating teritoryo sa Sept. 17.
Mag-a-accredit daw ng limitadong numero ng covering media sa Phl-Qatar game. Ang hindi ko pa nauulinigan ay kung sino ang mga papayagang pribadong indibidwal na mapanood ang Phl-Qatar match.
Kasama sa parusa sa Pilipinas ang closed-door event na ito dahil sa kanilang pakikibugbugan sa Team Australia sa kanilang huling laro sa WC qualifier.
***
Bandera kaagad ang reigning back-to-back Governors Cup champion na Barangay Ginebra sa unang arangkada ng mga laban sa season-ending PBA tourney.
Ang matindi nito ay nasa “surviving mode” pa lang daw sa kasalukuyan ang Ginebra, ayon kay coach Tim Cone.
Susubukan daw nilang iayos ang flow ng kanilang laro sa 12-day PBA break kahit na tatlo sa kanilang manlalaro – Greg Slaughter, Japeth Aguilar at Scottie Thompson – ay kasama sa kampanya ng Gilas.
- Latest