Blazers pinulutan ang Perpetual Altas
MANILA, Philippines – Tuluy-tuloy ang pag-taas ng St. Benilde Blazers sa team standings matapos padapain ang Perpetual Help Altas, 91-87, para masungkit ang pang-pitong panalo kahapon sa 94th NCAA basketball tournament sa FilOil Flying V Center sa San Juan City.
Hindi nasindak sina Yankie Haruna at Justin Gutang sa arangkada ni Prince Eze ng Altas at umiskor ng krusyal na baskets sa huling minuto para umangat ang Blazers sa solo third spot sa 7-3 kartada sa likuran ng Lyceum Pirates (10-0) at San Beda Red Lions (9-1).
“I guess if we want to get to the playoffs, we need to win these kind of games, dikdikan talaga, given we didn’t have Eduard Dixon, we lost JJ (Domingo) before the game, we have to fight it through whatever happens, move on and get to the Final Four,” sabi ni St. Benilde head coach TY Tang.
Si Domingo ay nagkaroon ng season-ending ACL (anterior cruciate ligament) injury.
Umiskor si Haruna ng basket para mabawi ang kalamangan, habang si Gutang ay kumonekta ng triple para sa 87-83 bentahe mahigit sa 36.2 segundo na lamang ang natitira sa laro.
Tumapos si Haruna na may 19 points, 3 assists at 3 steals, habang sina Jimboy Pasturan at Unique Nabor ay may 17 at 14 markers, ayon sa pagkakasunod.
Si Gutang ay umani ng 13 points, 6 rebounds at 5 assists.
Kahit humakot ng 36 points, 17 rebounds at 5 blocks ang 6’9 na si Eze ay naglaglag pa rin ang Altas sa 5-5 record.
Samantala, tinalo ng Letran Knights ang Arellano Chiefs, 99-82.
Nagposte si Bong Quinto ng 26 points 12 boards para sa pang-pitong panalo ng Knights.
CSB 91- Haruna 19, Pasturan 17, Naboa 14, Gutang 13, Nayve 7, Young 7, Leutcheu 5, Belgica 4, Carlos 3, Velasco 2, Pagulayan 0.
UPHSD 87- Eze 36, Razon 18, Peralta 8, Aurin 7, Cuevas 7, Coronel 6, Tamayo 3, Mangalino 2, Pasia 0.
Quarterscores: 17-20; 49-43; 68-62; 91-87.
- Latest