Pilipinas nabigong makasikwat ng medal
JAKARTA — May pag-asang madagdagan ang apat na gintong medalya ng Pilipinas sa 18th Asian Games na maaaring magmula sa boxing competition na magtatapos ngayon sa Jakarta International Expo.
Lalaban para sa gold medal ang Olympian na si Rogen Ladon sa finals ng men’s flyweight 52kgs. kontra kay Jasurbek Latipov ng Uzbekistan, ang two-time World championships silver medalist, ngayong alas-2:15 ng hapon (3:15 p.m. Manila time).
Ginamit ng tubong Valladolid, Negros Occidental ang kanyang left straight sa first round bago naputukan sa kilay mula sa isang head butt.
Huling nanalo ng boxing gold ang Pinas noong 2006 sa Qatar Asiad mula kina Violito Payla at Joan Tipon.
Samantala, nahirapan muna ang Philippine women’s volleyball team sa Kazakhstan nang umabot sa limang sets ang laban bago isuko ang 11-25, 25-22, 15-25, 25-19, 16-14 pagkatalo.
Bunga nito ay tanging 7th place sa consolation round na lamang ang habol ng Pinay volleybelles kung saan makakalaban nila ang Indonesia ngayong alas-10 ng umaga (11 a.m. Manila time).
“More than frustrations, alam mo ‘yung parang nakaka-excite ulit mag-training, mag-team up with these girls kasi alam mong malayo ‘yung mararating,” sabi ni star player Alyssa Valdez.
Matapos ang 12-araw ng aksiyon, ang Pinas ay mayroon nang 4 gold, 1 silver at 13 bronze medals para sa kabuuang 18 medals na humigit na sa 1-2-11 (gold-silver-bronze) ng Pilipinas noong 2014 Incheon Asian Games.
Ang apat na gold ng Pinas ay mula kina weightlifter Hidilyn Diaz, skateboarder Margielyn Didal, golfer Yuka Saso na nanguna rin sa golf women’s team kasama sina Bianca Pagdanganan, nanalo rin ng bronze at Lois Kaye Go.
Ang mga bronze medalists ay ang men at women’s poomsae team, taekwondo jin Pauline Louise Lopez, wushu artists Agatha Wong at Divine Wally, jiu-jitsu Meggie Ochoa, Fil-American BMX rider Daniel Caluag, Pagdanganan at apat sa pencak silat mula kina Cherry Mae Regalado, Divine Wally, Almohaidib Abad Dines Dumaan at Jefferson Rhey Loon.
Dahil walang medalyang nairehistro ang Pilipinas kahapon ay napako ang kampanya ng bansa sa pang-17 place kagabi ng alas-6 sa likod ng Singapore na mayroon ding 4 golds ngunit may 4 silver at 12 bronze medals.
Nasa ilalim naman ng Pilipinas ang United Arab Emirates na may 3-6-4.
Bukod sa boxing, lumalaban pa ang mga pambato ng Pinas sa soft tennis, sailing, bridge at triathlon.
- Latest