^

PM Sports

Tigresses lalabanan ang Lady Tams sa Cagayan

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines – Darayo ang Premier Volleyball League Season 2 Collegiate Conference sa Cagayan de Oro City tampok ang bakbakan ng University of Santo Tomas at Far Eastern University na maglalaban para sa No. 2 seeding sa Final Four.

Nakatakda ang engkuwentro ng Tigresses at Lady Tamaraws ngayong alas-4 ng hapon.

Parehong may 5-1 baraha ang UST at FEU para pagsaluhan ang ikalawang puwesto, habang na­ngu­nguna ang Adamson University na may malinis na 6-0 marka.

Magtatagpo naman sa The Arena sa San Juan City ang College of Saint Benilde at University of Perpetual Help System Dalta sa alas-4 ng hapon.

Kinakailangan ng St. Benilde na manalo laban sa Perpetual Help upang manatiling buhay ang pag-asang makasama sa semis.

Papalo para sa Lady Blazers sina Marites Pablo, Arianne Daguil, Klarisa Abriam at playmaker Jewel Lai.

Haharap ang St. Benilde sa Perpetual Help na nag­nanais magkaroon ng magandang pagtatapos ang kanilang kampanya kung saan mangunguna si­na Cindy Imbo, Jowie Versoza, Shyra Umandal at Mae Gual.

Kalaban ng Benilde at San Beda sa huling tiket sa semis ang University of the Philippines na may 3-3 baraha.

vuukle comment

LADY TAMS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with