NLEX binuhay ang tsansa
MANILA, Philippines — Dahil sa pagkakaroon ng injury ni Kevin Alas at 18-month suspension ng FIBA kay Kiefer Ravena ay halos lahat ng player ay pipigain ni coach Yeng Guiao.
“We’re trying to get something out of anybody. Pinipiga namin ‘yung iba pati ‘yung ibang hindi rin nakakalaro dati,” sabi ni Guiao matapos ang 93-89 panalo ng NLEX laban sa Blackwater sa 2018 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nakabangon ang Road Warriors mula sa 10-point deficit sa third period para ilista ang kanilang ikalawang panalo sa anim na laro at buhayin ang tsansa sa isa sa walong tiket sa quarterfinals.
Humakot si import Arnett Moultrie ng 26 points, 15 rebounds at 5 assists, habang nagdagdag sina Juami Tiongson at Alex Mallari ng tig-10 markers.
Nalasap naman ng Elite ang kanilang pang-pitong sunod na kabiguan.
Kinuha ng Blackwater ang 77-67 abante galing sa tirada ni PJ Erram sa 10:20 minuto ng third bago naglunsad ng 13-0 atake ang NLEX para iposte ang 90-86 bentahe sa huling 1:25 minuto ng fourth period buhat sa 77-86 pagkakaiwan.
Ang split ni Allein Maliksi at dalawang free throws ni Mike DiGregorio ang naglapit sa Blackwater sa 89-90 agwat sa huling 40.5 segundo ng final canto.
NLEX 93 - Moultrie 26, Tiongson 10, Mallari 10, Fonacier 9, Rios 8, Monfort 5, Baguio 5, Marcelo 5, Soyud 5, Ighalo 5, Quiñahan 3, Miranda 2.
Blackwater 89 - DiGregorio 25, Maliksi 16, Erram 14, Walker 12, Cortez 4, Belo 4, Al-Hussaini 4, Sumang 3, Palma 3, Zamar 2, Jose 2, Pinto 0.
Quarterscores: 26-18; 42-40; 67-71; 93-89.
- Latest