^

PM Sports

Iloilo swimmer, Cebuana trackster nadiskubre sa PRISAA

Pang-masa

Tagbilaran, Bohol, Philippines – Matapos maglaho ang usok sa isang linggong paligsahan, muling pinatuna-yan ng Central Visayas at Western Visayas na sila ang kinikilalang pinakamagaling sa 2018 National PRISAA Games na kinagtampukan ng mahigit 4000 libong atleta mula sa mahigit 600 private colleges at universities sa 16 regions sa bansa na ginawa sa Carlos P. Garcia Sports Complex sa Tagbilaran, Bohol.

Tulad sa inaasahan maraming atleta ang natuklasan sa iba’t-ibang sports at ang naging instant celebirty ay ang 13 years old swimming sensation na taga-Iloilo na si Stefany Louise Sa-Ac na nanalo 7-ginto at ang Cebuanang si Melody Perez na tinanghal na reyna ng oval  matapos manalo sa 3,000m, 5,000m at 10,000m sa weeklong competition na sinuportahan ng Philippine Sports Commission sa pamumuno ni Chairman William Ramirez.

Kabilang sa mga nadiskubre sa kompetisyong ito ay sina Julie Marie Occeno, Romeo Renzo Teodoro, Gio sde Vera, Sharlaimane Harris, Rocky Ramos, Marco Pomar, Seth Gentallan, Suganob brothers, Rodel at Regie, Gerald, Baclaan, Razel Cabajar, Francen Cagape, Tracy Lyn Basalo, at Jun Jun Domingo bukod kay Sa-Ac at Perez.

Pinalakas ng mga atleta ng Cebu, humakot ang Central Visayas ng 143-65-53 gold-silver-bronze para sa pang-anim na sunod na titulo sa seniors division at dinomina ng Western Visayas sa pangunguna ng mga atleta galing sa Iloilo at Bacolod ang youth division sa kanilang pruduksiyong 135-63-45 total medals.

Mistulang pinaglaruan ng mga atleta ng CV at WV ang mga kalaban sa ibang regions sa lahat na sports kasama ang medal rich athletics at swimming sa taunang palaro na itinatag noong 1953.

“We focused on individual sports because that is the main thrust of PRISAA to produce many athlete and live up to its lofty billing as breeding ground of potential athletes,” sabi ni National Executive Director Prof. Elbert “Bon” Atilano matapos ang closing cewremonies kung saaan ang mga atleta suort ang kanilang track suits nagkamayan tanda nang sprotsmanship at friendship.

PRISAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with