Delikado sa Gilas si Abueva
MANILA, Philippines - Nagsabi si Calvin Abueva sa Gilas coaching staff na sisipot siya kagabi at tutulong siya sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup, ayon sa kanyang agent/adviser.
Ang tanong ay kung talaga nga bang sisipot siya sa training ng Gilas?
Hindi dumating si Abueva sa mga nakaraang practice kaya napilitan si Gilas coach Chot Reyes na bigyan ng ultimatum ang Alaska players kagabi na kung hindi siya sisipot ay tatanggalin na siya sa Gilas roster. Ang practice ay alas-8:00 kagabi.
“Nagpasabi na raw na darating siya Monday night,” sabi ng player agent na si Danny Espiritu.
Hindi rin sinisipot ni Abueva ang mga practice ng kanyang mother ball club na Alaska Milk.
Noong Sabado ay hindi siya lumaro sa laban ng Aces kontra sa Star Hotshots sa Ynares Sports Center sa Antipolo.
Ayon kay Alaska coach Alex Compton, may pinagdadaanan daw na problema sa pamilya si Abueva.
Umaasa si Reyes na sumipot kagabi si Abueva dahil gahol na sila sa preparasyon para sa FIBA Asia Cup na lalarga na sa susunod na linggo sa Lebanon.
Kung mapipilitan silang ilaglag si Abueva, sinabi ni Reyes na mala-king problema na naman kung sino ang kanyang ipapalit.
Ang mga kasama sa Asia Cup Gilas team ay sina June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra, Terrence Romeo ng GlobalPort, Jio Jalalon Star, Matthew Wright ng Phoenix Petroleum, Raymond Almazan at Gabe Norwood ng Rain or Shine, Jayson Castro at RR Pogoy ng TNT KaTropa, Carl Bryan Cruz at Fil-German Christian Standhardinger ng Alaska.
- Latest