Belasco, Taggart pinagmulta ng PBA dahil sa pag-aaway
MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, pinatawan ng multa ni PBA Commissioner Chito Narvasa sina Phoenix assistant coach Nic Belasco at Rain or Shine import Shawn Taggart dahil sa kanilang away noong Abril 17 sa Smart Araneta Coliseum.
Nangyari ang gulo nang itulak ni Belasco sa mukha si Taggart habang papunta sa kanilang mga dugout ang Fuel Masters at Elasto Painters matapos ang come-from-behind 96-94 win ng huli.
Bumato ng suntok ang import sa deputy coach bago naawat ng kanilang mga kakampi.
Sinasabing nagkaka-sagutan na sina Taggart at Belasco, isang dating 6-foot-5 power forward sa PBA, habang nasa ma-init na bahagi ang laro ng Rain or Shine at Phoenix.
At nang matalo ang Fuel Masters sa Elasto Painters ay lalo pang nag-init si Belasco kay Taggart.
Pinagbayad ng PBA Commissioner's Office si Belasco ng multang P40,000 kung saan ang P30,000 at P10,000 dito ay dahil sa kanyang pakikipag-away kay Taggart at ang pagsisimula ng gulo, ayon sa pagkakasu-nod.
Si Taggart, dating im-port ng Globalport, ay pinagbayad naman ng P30,000.
Bagama't napatawan ng multa ay nakaligtas sina Belasco at Taggart sa suspensyon.
Samantala, tuluyan nang binitawan ng Phoenix si guard Jeff Viernes matapos umaming nag-laro sa “ligang labas” game sa Malolos dalawang linggo na ang nakakalipas.
Naglaro ang 27-anyos na si Viernes nang hindi nagpaalam sa Fuel Masters para sa nagharing Hobe Macway Travel laban sa Racal Ceramica sa Republica Cup.
- Latest