Spurs at Cavaliers inangkin ang 2-0 bentahe
SAN ANTONIO — Naagapan ng Spurs ang kanilang pagkulapso sa final canto sa pamama-gitan ng pagsandal sa kanilang three-point sho-oting at malaking pro-duksyon ni star forward Kawhi Leonard.
Natulungan din ang San Antonio ng mga opis-yales, ayon kay Memphis coach David Fizdale.
Humataw si Leonard ng postseason career-high na 37 points bukod pa ang 11 rebounds para pamunuan ang Spurs sa 96-82 panalo laban sa bisitang Grizzlies at ku-nin ang 2-0 abante sa ka-nilang first-round series.
“This team has cha-racter, besides the talent and the desire to win,” sabi ni Spurs center Pau Gasol.
“We have to keep that up every single night. We responded well when they made their run, and that's the mindset we have to have every night.”
Nagtala si Leonard ng 9-for-14 fieldgoal shoo-ting kasama ang perpek-tong 19-for-19 clip sa free throw line.
Mas madami pa ang ibinigay na foul shots pa-ra kay Leonard kumpara sa Grizzlies, ayon kay Fizdale.
“We don't get the respect that these guys deserve because Mike Conley doesn't go crazy, he has class and he just plays the game,” wika ni Fizdale. “But I'm not going to let them treat us that way.”
Nakadikit ang Memphis sa 71-75 agwat sa pagsisimula ng fourth quarter, ngunit tumipa ng magkasunod na 3-poin-ters sina Parker at Pau Gasol para muling itayo ang double-digit lead ng San Antonio.
Tumapos si Parker na may 15 points para sa Spurs.
Nagtala naman si guard Mike Conley ng 24 points sa panig ng Griz-zlies, habang may 18 at 12 markers sina Zach Randolph at Marc Gasol, ayon sa pagkakasunod.
Sa Cleveland, sumandal ang Cavaliers kina Kyrie Irving, LeBron James at Kevin Love pa-ra patumbahin ang India-na Pacers, 117-111, at kunin ang 2-0 bentahe sa kanilang serye.
Tumapos si Irving na may 37 points mula sa 14-of-24 fieldgoal shoo-ting, habang nagtala si Love ng 6-for-7 clip kasama ang 3-for-4 sa three-point line para sa kanyang 27 points.
Humakot naman si James ng 25 markers, 10 rebounds at 7 assists.
Nakalapit ang Pacers sa 104-109 agwat ba-go nagbida sina Irving, James at Love para mu-ling ilayo ang Cavaliers.
Hindi pinaporma ng Cleveland ang Indiana sa unang tatlo at kalaha-ting minuto ng second quarter upang iposte ang 18-point lead.
Binanderahan ni Paul George ang Pacers sa kanyang 32 kasunod ang 23 at 16 markers nina Jeff Teague at Thaddeus Young, ayon sa pagkakasunod.
- Latest