Jeron maglalaro para sa Flying V Thunder sa D-League
MANILA, Philippines - Nagsisimula nang magpalakas ang bagong koponang Flying V Thunder na binuo upang lumahok sa darating na 2017 PBA D-League Foundation Cup.
Pumirma para mag-laro sa Flying V ang No. 1 pick ng 2016 PBA D-League Rookie Draft na si Jeron Teng.
Naglaro si Teng para sa AMA Online Education sa katatapos na 2017 PBA D-League Aspirants’ Cup na siyang nakasaad sa kanyang pinirmahang one-conference contract kung saan umabot sila sa quarterfinals subalit hindi pinalad na umusad sa semis kontra sa Tanduay Rhum Masters.
Mismong ang agent ni Teng na si Danny Espiritu ang nagkumpirma sa balita kahapon.
Ang pagkuha kay Teng ng Flying V ay posibleng umpisa pa lamang ng kanilang pag-hugot pa ng ibang manlalaro mula sa bagong hari ng senior men’s basketball ng UAAP na De La Salle University Green Archers na kanilang tinutulungan.
“That is not far from happening,” wika ni Flying V team manager Joey Guillermo sa pag-lulunsad ng kanilang koponan na nangyari noong isang linggo.
“The direction is to create a very competitive team,” dagdag pa nito.
Itinalaga bilang head coach ng koponan si UAAP at PBA cham-pion mentor Eric Altamirano na magbabalik sa PBA D-League at sa coaching matapos magbitiw bilang coach ng National University Bulldogs noong Dis-yembre ng 2016.
Hangad ni ‘Coach E’ na muling matamasa ang tagumpay na kanyang nagawa sa PBA at ang pinakahuli sa UAAP kung saan nabigyan niya ng kampeonato ang Bulldogs noong 20-14 season. (FMLumba)
- Latest