Severino pumangatlo sa blitz event ng Thailand Open
MANILA, Philippines - Sa kanyang murang edad ay nagkaroon si Sander Severino ng muscular dystrophy na nagpahina sa kanyang katawan at tuluyan nang naupo sa weelchair.
Ngunit hindi ito na-ging balakid sa kanyang hangaring maging chess Grand Master.
Tumapos si Seve-rino, isang FIDE Master, sa ikatlong puwesto mula sa kabuuang 128 partisipante sa one-day blitz tournament, nagsilbing side event ng 17th Bangkok Chess Open sa Thailand.
Nagtala ang 31-an-yos na tubong Silay Ci-ty, Negros Occidental ng 9 points, dalawa at kalahating puntos ang agwat sa nagkampeong si GM Karen Grigoryan ng Armenia at kay se-cond placer GM Falko Bindrich ng Germany, ayon sa pagkakasunod.
Si Severino ang ta-nging woodpusher na tumalo kay Grigoryan, habang nakipag-draw naman siya kay Bindrich sa event na hinati sa walong grupo na may tig-16 players at guma-mit ng time control na tatlong minuto.
Ang top two chessers sa bawat grupo ang nakapasok sa round-robin finale.
Si Severino ay kasalukuyang may ELO ra-ting na 2364 kumpara kina Grigoryan (2559) at Bindrich (2582).
- Latest