Diones, Phl men’s 4x100 relay team nagtala ng record
MANILA, Philippines - Ngayon pa lamang ay ipinakita na ni Mark Harry Diones ang kanyang kahandaan para sa 2017 Southeast Asian Games nang tumalon ng 16.70 metro para angkinin ang gintong medalya at itala ang panibagong national record sa men’s triple jump sa 2017 Ayala-Open National Invitatio-nal Athletics Championships kahapon sa Ilagan City Sports Complex sa Ilagan, Isabela.
Itinala ng BS Criminology graduate ng Jose Rizal University ang ba-gong record sa ikaanim at huling talon para burahin and dating 16.29m na isi-numite niya sa weekly re-lays sa Philsports Complex ng Pasig City noong Nobyembre.
Hindi lamang ang national record ang kanyang nilampasan kundi pati na ang SEA Games silver finish ni Varunyoo Kongnil ng Thailand sa Singapore.
Ang kanyang bagong record ay malapit na rin sa SEA Games record na 16.76m ni Muhammad Hakimi Isamel ng Malaysia dalawang taon na ang nakakalipas.
Si Ismael ay sumali rin kahapon ngunit tumapos lamang sa silver medal sa 16.06m at ang bronze medal ay nakuha ng Sri Lankan na si Sanjaya Sandaruwan Jayasir sa 15.69m.
“I will train hard to achieve it and I hope my three-month training in Australia before the SEA Games will help me,” sabi ni Diones.
Ang isa pang bagong national record ay naitala ng quartet nina Eric Cray, Trenten Beram, Jomar Udtohand at Anferneee Lopena sa men’s 4x100m relay sa oras na 40.29 segundo para burahin ang dating 12-year record na 40.55.
“Lopena had a good lead on the first leg and pretty much I didn’t have to do anything,” ani Cray.
Si Fil-Canadian Zion Rose Corales-Nelson ay kumuha ng silver medal sa 100m dash sa 12.11 segundo.
- Latest