Masangkay naghahanda para sa Asian Powerlifting Championships
MANILA, Philippines - Puspusan na ang paghahanda ni World Powerlifting record holder Joan Masangkay at mga Philippine teammates nito para sa 2017 Asian Powerlifting Championships sa Soreong Java, Indonesia.
Inaasahan ng PAP (Powerlifting Association of the Philippines) sa pamumuno ni President Eddie Torres at director Cirilo Dayao na maduduplika ni Masangkay ang apat na gold medal na nakuha niya noong nakaraang taon na ginanap sa Queen Elizabeth Stadium Hong Kong.
Patuloy na lumalakas si Masangkay dahil sa ibinibigay na training program sa kanya nina Ramon Debuque ng Zest Power Gym at Cyber Muscle Gym coach Cirilo Dayao na naniniwalang maduduplika ni Masangkay ang apat na gold me-dal (squat competition, bench press competition, deadlift competition at ang total).
Inaasahan ding makapag-uuwi ng gintong medalya sa ating bansa sila Alexis Nicole Go na lalaban sa 84+ kg weight class junior division Andrea Rowella Abrea-47kg Sub-junior division at Kathleen Chiang- 63kg junior division.
- Latest