^

PM Sports

Cavs 3 sunod na talo

Pang-masa

MICHIGAN -- Nag-lunsad ang Detroit Pistons ng 13-0 atake sa likod ni Reggie Jackson sa pagbubukas ng fourth quarter para talunin ang bisitang Cleveland Cava-liers, 106-101.

Nagsalpak si Jackson ng isang mahalagang jump shot bago maubos ang kanilang shot clock sa huling 55 segundo para ibigay sa Pistons ang five-point lead.

Kumamada si Jackson ng 12 sa kanyang 21 points sa fourth quarter, habang tumapos si Andre Drummond na may 20 points at 16 boards para sa Detroit.

Anim pang Pistons ang nagposte ng double figures.

Nagtala si LeBron James ng triple-double sa kanyang 29 points, 13 rebounds at 10 assists para sa Cavaliers, naipatalo ang ikatlong sunod na laro at pang-lima sa huli nilang pitong laban.

Naglaro naman si J.R. Smith para sa Cleveland matapos ang thumb injury noong Disyembre, ngunit hindi nakita sa aksyon sina Kevin Love at Kyle Korver.

Nauna nang nawala si Andrew Bogut sa Cavaliers nang mabalian ng binti sa kanyang debut game. Sa Oklahoma, hindi na nasayang ang pinaghirapang triple-double ni Russell Westbrook.

Ipinoste ni Westbrook ang kanyang pang-31 triple-double sa season para tulungan ang Thunder sa 102-92 paggiba sa bisitang San Antonio Spurs.

Tumapos si Westbrook na may 23 points, 13 rebounds at 13 assists at pinantayan ang record ni Wilt Chamberlain noong 1967-68 para sa second-most triple-doubles sa isang season.

Tinapos ng Oklahoma City ang kanilang four-game losing skid.

Nagdagdag si Victor Oladipo ng 20 points habang kumolekta si Enes Kanter ng 14 points at 10 rebounds para sa Thunder.

Umiskor naman si Kawhi Leonard ng 19 points para sa Spurs, nagwakas ang itinalang nine-game winning streak at naiwanan ng Golden State Warriors sa pagkakaroon ng best record sa NBA.

Hindi naglaro para sa San Antonio sina Tony Parker, Manu Ginobili at Kyle Anderson.

Si Ginobili ay ipinahinga habang si Parker ay may back stiffness at nagkaroon naman si Anderson ng sprained right knee.

Nagsalpak si Oladipo ng dalawang 3-pointers at nakumpleto ang 3-point play para ilayo ang Oklahoma City sa 73-63 patungo sa 82-71 pag-iwan sa San Antonio sa pagsasara ng third quarter.

vuukle comment

REGGIE JACKSON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with