6-8 linggong hindi makakalaro si Paul
LOS ANGELES -- Sasailalim si Clippers point guard Chris Paul sa isang surgery para sa napunit na litid sa kanyang kaliwang hinlalaki.
Dahil dito ay hindi makakapaglaro si Paul mula anim hanggang walong linggo.
Nalasap ni Paul ang nasabing left thumb injury sa second quarter sa 120-98 panalo ng Clippers laban sa Oklahoma City .
Nagkabanggaan sina Paul at Thunder star Russell Westbrook sa naturang yugto.
Ang initial diagnosis ay nagkaroon si Paul ng isang sprained thumb, ngunit nakita sa MRI exam noong Martes na seryoso ang injury ng Clippers’ star guard.
Posibleng hindi ma-kalaro si Paul mula 17 hanggang 26 games ng Clippers.
Nagtala si Paul, isang nine-time NBA All-Star, ng mga averages na 17.5 points, 9.7 assists at 5.3 rebounds ngayong season at pinamunuan ang NBA sa kanyang 2.25 steals per game.
Si Raymond Felton ang papalit kay Paul sa point guard spot ng Clippers.
- Latest