PSI nakikipagtulungan sa UP College of Human Kinetics at sa US Sports Academy
MANILA, Philippines - Nakikipag-ugnayan ang Philippine Sports Institute sa University of the Philippines College of Human Kinetics at ng United States Sports Aca-demy upang magkaroon ng educational programs para sa mga interesadong gawin ang sports na full time profession.
Sinabi ni PSI national training director Marc Edward Velasco na hindi lamang ang mga gustong maging sports professional educators ang makikinabang sa naturang program kungdi pati ang mga atleta at mga coaches ng national training pool.
“From there like I said, we will have better yield of athletes, better quality. Mas malaki ngayon ang pagpipilian natin ng atleta, we have a much bigger pool. When we have more pool, ibig sabihin mas malaki ang bala natin,” sabi ni Velasco.
Ayon pa kay Velasco, kukuha rin ang Philippine Sports Commission ng mga foreign coaches para tumulong sa mga elite athletes na sasabak sa Southeast Asian Games, Asian Games at sa 2020 Olympiad.
Inilahad rin ni PSC chairman William “Butch” Ramirez ang pagbili ng mga equipments para magagamit ng mga atleta sa kanilang pag-eensayo. Kabilang sa mga equipments na ito ay para sa strength and conditioning ng mga atleta.
“We will have more diagnostic equipments to help injured athletes. These equipments can even help them in their training,” sabi ni Ramirez.
Samantala, handa na ang lahat para sa re-launching ng PSI sa ganap na alas- 3 ng hapon sa Lunes sa Philsports Complex Multi-Purpose Arena sa Pasig City.
Hindi makakarating si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa importanteng naunang commit-ments. Sa halip, kinumpirma ng Malacañang ang pagdalo ni Cabinet Secretary Leonicio Evasco Jr. para magbigay ng keynote address sa grand inaugural na dadaluhan rin ng iba’t ibang sports officials, local government units (LGUs) at mga opis-yales ng Department of Education.
Bukod kay Evasco, inaasahang magbibigay din ng mensahe si Dennis Uy, ang Presidential Adviser on Sports.
Sa gagawing Oath of Support sa PSI, si weightlifter Hidilyn Diaz, ang Rio Olympics silver me-dalist ang mangunguna para sa mga atleta at si Roel Velasco ng boxing para sa mga coaches at trainers. Si Dennis Uy din ang mangunguna para sa private sector. (FCagape)
- Latest