Perpetual spikers nakabawi
MANILA, Philippines – Tinalo ng defending titlist University of Perpetual Help Altas ang runner-up noong nakaraang taon na Emilio Aguinaldo College Gene-rals, 25-23, 25-19, 25-15 kahapon para makabalik sa win column ng men’s division ng 92nd NCAA volleyball tournament na ginanap sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.
Humataw si Rey Taneo ng 13 hits, siyam na spikes at blocks bukod pa sa kanyang magandang depensa at receptions para pangunahan ang ikatlong panalo ng Altas.
Ang kapatid niyang si Relan ay umani rin ng 30 excellent sets.
Ang Generals ay nakatikim ng kanilang ika-apat na sunod na talo.
Sa women’s division, tinambakan ng Lady Altas ang Lady Generals, 25-15, 25-17, 25-18 para masungkit ang unang panalo sa tatlong laban habang ang Lady Generals ay wala pang panalo sa tatlong laro.
Ngunit sa juniors’ division, nanalo naman ang EAC Brigadiers kontra sa Altalettes, 25-23, 19-25, 23-25, 25-21, 17-15 para angkinin ang solo liderato sa kanilang 3-0 record.
Pinangunahan ni Ederson Rebusora sa kanyang 24 puntos at si Ceejay Hicap, Dan Andrei Abardo, Francis Casas ay tumulong din ng tig-13 bawat isa at 12 mula kay Ralph Pitogo para sa Brigadiers.
Sa kanilang panalo, nakaganti na rin ang Bri-gadiers sa kanilang talo laban sa Altalettes sa finals noong nakaraang taon.
Kapwa hangad ng da-lawang koponan na makapasok ulit sa finals sa season na ito.
- Latest