^

PM Sports

Castro pumirma ng maximum deal sa TNT

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nang walang ma-tanggap na formal offer mula sa isa sa tatlong koponan sa Chinese Basketball Association (CBA) ay tuluyan nang nilagdaan ni Jayson Castro ang isang three-year maximum contract sa TNT Katropa.

Ang naturang kontrata ni Castro sa Tropang Texters ay nagkakahala-ga ng mahigit sa P15 milyon.

Pinirmahan ng pro-dukto ng Philippine Christian University ang naturang kontrata sa Tropang Texters matapos ang tune-up game nila ng Star Hotshots.

Nauna nang nagtakda ang kampo ng 5-foot-10 point guard ng deadline noong Nobyembre 10 para sa alok ng isa sa tatlong CBA teams.

Ngunit wala silang natanggap na formal offer.

Napabalitang tatlong koponan sa CBA ang nagparamdam ng interes para hugutin si Castro mula sa TNT Katropa at sa PBA.

Ang isang CBA team ay sinasabing nag-alok kay Castro ng P14 mil-yon para sa isang three-month deal.

Bago umakyat sa PBA noong 2008 ay kumampanya  muna si Castro para sa Singapore Slingers sa Australian basketball league.

Nilagdaan kamaka-ilan nina one-time PBA MVP Kelly Williams at veteran guard Ryan Re-yes ang kani-kanilang two-year contract sa TNT Katropa.

CHINESE BASKETBALL ASSOCIATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with