P25K carryover sa pentafecta pupuntiryahin
MANILA, Philippines – May pupuntiryahin ang bayang karerista na carry over sa pentafecta na umabot sa P25,433.36 ngayong gabi rito sa karerahan ng Santa Ana Park.
Nailagay ang naturang karera kasabay ng paboritong winner take all na magsisimula sa race two na ang mga kasali ay kabilang sa Handicap-4 group.
Ang pentafecta carry over ay mula pa noong Enero 31 sa karerang naganap sa Santa Ana Park sa bayan ng Naic, Cavite.
May nanalo sa super six na nagkaroon ng dibidendong P76,211.40 pero walang nakakuha sa pentafecta.
Ang kumbinasyong nanalo sa super six ay 9-6-5-7-4-10 na binuo ng mga kabayong sina Ni Haow, Maincore Sunspots, Kuya Yani, Ideal View, Choosey at Surprise Call.
Ang Handicap-4 sa ikalawang karera ay binubuo ng 1-Skydrifter, 2-Aison Me, 3-Nash, 4-My Hermes, 5-Ace Of Diamond, 6-Dainty Ankles, 7-Diamond Lover at 8-Wafu The King.
Halos lahat ng race experts clockers at maging ng mga tiyempistas ay pabor sa dalawang kalahok na sina Skydrifter na papatungan ni A.M. Basilio at Aison Me na sasakyan naman ni C.P. Henson, kaya magiging dehado ang kumbinasyon kung makakasingit ang alinman sa dalawa.
Samantala, patuloy na may bumubulagang mga kabayong super dehado
Nito lang Lunes ng gabi ay dalawang matinding dehado ang siyang nagpalaki ng ating mga dibidendo lalo na sa mga exotic bettings.
Ang mga ito ay ang Security Gem na ginabayan ni John Alvin Guce at nanalo sa ating penultimate race gayundin si Kinkai na pinatu-ngan naman ni apprentice O.P. Cortez na nagwagi sa huling karera.
At dahil kasama sa take all, ang dibidendo rito ay P672,467 sa second pick five ay P384,851 sa pick six naman na may outstanding choice na si Moderne Light ay P46,495 pero sa ating pick four na apat lang ang pinipili ay P36,260 pa ang siyang premyo.
- Latest