Alyssa, Ateneo nagparamdam
MANILA, Philippines – Binuksan ng defending two-time champion Ateneo ang National University, 25-21, 25-19, 25-14 sa pagbubukas ng kanilang kampanya sa UAAP Season 78 women’s volleyball tournament sa dinayong Filoil Flying V Arena.
Nakakinabang ang Ateneo sa magandang larong ipinakita nina middle hitter Maddie Madayag at bagong libero na si Gyzelle Tan na sumuporta kay Alyssa Valdez tungo sa kanilang ika-19-sunod na panalo
Nauna rito, binuksan ng University of the Philippines ang kanilang kampanya sa pamamagitan ng 25-20, 25-13, 25-21 panalo sa University of the East.
Tumapos ang two-time MVP na si Valdez na nasa kanyang final season na, ng 18 points kabilang ang tatlong service aces bukod pa sa five digs habang ang sophomore na si Madayag ay may five blocks para sa kanyang 13-points para sa Ateneo.
Nagtala naman si Tan, pumalit kay Denden Lazaro, ng siyam na matagumpay na reception para kumpletuhin ang 16-game tungo sa kanilang ikalawang sunod na titulo noong nakaraang taon.
“Gyzelle’s adjustment from a setter to a libero was really hard, pero she worked hard. Maddie is such a talent, skills-wise, nasa kanya. Sana magtuluy-tuloy lang,” sabi ni Valdez.
Ang setter na si Jia Morado ay mayroon ding 33 excellent sets para sa Ateneo.
Sina Jaja Santiago at Myla Pablo ay may tig-11 hits naman para sa
Pinangunahan naman ng mga baguhang sina Justine Dorog at Diana Carlos ang balanseng atake ng Lady Maroons sa kanilang 9-hits habang tumapos si Isa Molde na may 5 points at 7 digs kahit may ankle sprain.
Ang bagong team captain na si Kathy Bersola ay may 7-points sa kanyang pagbabalik mula sa knee injury noong nakaraang taon na inaasahan ni coach Jerry Yee na mag-i-improve.
“Kathy is okay, med-yo stiff pa ang ikinikilos. Hindi veteran ang dating, ang daming errors pero I know she will improve,” sabi ni Yee.
- Latest