Low Profile namayagpag
MANILA, Philippines – Lumabas na pinakamayamang kabayong pa-ngarera ang Low Profile na umani ng papremyong P5,455,220.99 sa kabuuan ng taong 2015.
Ang Low Profile na umagaw ng korona sa dating kampeong Hagdang Bato ay nakapagtala ng 14 panalo, 4 na segundo at 1 tersero sa kanyang mga laban.
Pumangalawa ang Gentle Strength na may kinitang P5,375,827 mula sa 9 panalo, 3 segundo at 2 pagtersero. Ikatlo ang Court Of Honour na may income na P4,691,982.20 mula sa 7 wins, 4 se-conds at 4 third placers.
Ang Dixie Gold na humiya sa Low Profile sa pinaka-prestihiyosong Presidential Gold Cup ang ikaapat sa kanyang prize funds na P4,257,291.16. Mayroon naman siyang limang panalo, dalawang segundo at dalawang pagtersero.
Kung mapapansin ninyo ay pawang mga stakes campaigner ang siyang nasa unang sampung puwesto. Ito ay dahil doble-doble ang papremyo sa stakes races kumpara sa isang regular race.
Nasa ikalimang puwesto ang Subterranean Ri-ver na may P3,875,000 sa kanyang tatlong panalo, dalawang segundo at isang tersero.
Ang Malaya na isa sa mga lumutsa sa Low Profile dahilan para mapaboran ito sa karera ay nasa ikaanim na puwesto sa P3,369,241.59 kita sa siyam na panalo, walong segundo, isang tersero at isang pang-apat na puwesto.
Pampito sa listahan ang Miss Brulay na may P3,289,203 income mula sa limang panalo, isang tersero. Ang Skyway na nagwagi rin bilang dehado sa isang stakes race ay may P3,165,034.41 sa limang panalo, dalawang segundo at isang tersero.
Pang-siyam ang Skyhook sa P3,115,418 at pang-10 ang Messie sa P3,005,070 kinita at dikit naman na nasa ika-11 ang Superv sa kinitang P3,003,349.
- Latest