^

PM Sports

Lyceum volleybelles naghahabol sa Final 4

Pang-masa

MANILA, Philippines – Hangad ng Lyceum of the Philippines University na panatilihing buhay ang kanilang tsansa sa Final Four sa pagharap sa San Beda sa pagbabalik aksiyon ngayon ng 91st NCAA volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Bago ang Holiday Season break, ang Lady Pirates ay nasa No. 5 sa taglay na 4-3 (win-loss) record, kalahating game lamang ang layo sa Perpetual Help Lady Altas na nasa No. 4 sa 4-2 slate sa women’s division rankings.

Nangunguna ang San Sebastian sa kanilang malinis na 6-0 card habang ang defending champion Arellano U at St. Benilde ay nasa Nos. 2 and 3 sa taglay na 6-1 at 5-1 mark, ayon sa pagkakasunod.

Sinabi ni LPU coach Emil Lontoc na gagawin nila ang lahat para makapasok sa Final Four sa unang pagkakataon sapul nang sumali sa liga ilang taon pa lamang ang nakakaraan.

“Hopefully this year makarating kami sa Final Four, that’s really our goal,” sabi ni Lontoc.

Sa men’s side, tangka ng San Beda na makakalas sa two-way logjam kasama ang Arellano University sa No. 4 sa taglay na 4-3 slates sa pagharap sa naghahabol ding LPU na nasa No. 6  sa 3-4 mark.

Nangunguna ang Perpetual Help sa kanilang malinis na 6-0 record habang ang Emilio Aguinaldo at St. Benilde ang nasa Nos. 2 at No. 3 sa 6-1 at 5-1 marks, ayon sa pagkakasunod.

Sa juniors’ play, wala pa ring talo ang Perpettual Help sa apat na laro kasunod ang EAC (4-1), Arellano (4-2) at San Sebastian (2-2).

ANG

ARELLANO U

ARELLANO UNIVERSITY

EMIL LONTOC

EMILIO AGUINALDO

FINAL FOUR

HOLIDAY SEASON

LADY PIRATES

SAN BEDA

SAN SEBASTIAN

ST. BENILDE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with