Blake Griffin out indefinitely
MANILA, Philippines – Hindi alam kung kailan makakabalik laro si Los Angeles Clippers power forward Blake Griffin dahil sa partially torn left quadriceps.
Natamo ni Griffin ang quad injury sa 94-84 panalo kontra sa Los Angeles Lakers. Nagpa-MRI agad ito noong Sabado ng umaga at nakita ang kanyang injury.
Muling ire-reevaluate si Griffin matapos ang dalawang linggo at hindi alam kung kailan uli siya makakapaglaro.
“Tough break,” sabi ni Clippers coach Doc Rivers sa Yahoo Sports. “Blake was playing so well. We just have to keep pushing forward until his return.”
Si Griffin ay nag-average ng 23.2 points, 8.7 rebounds at five assists sa 30 games nga-yong season para sa Los Angeles. Ang five-time All-Star ay third sa Western Conference forwards sa unang All-Star balloting.
Sina reserve forwards Josh Smith, Paul Pierce at Wesley Johnson ay kandidato para pumalit kay Griffin sa Clippers’ starting lineup. Ang Los Angeles ay may fourth best record na 17-13 panalo-talo.
- Latest