Curry AP Athlete of the Year
OAKLAND, Calif. — Masusukat ang galing ni Stephen Curry kumpara sa ilang basketball player sa kanyang record-setting shooting numbers na angat sa lahat.
Ang kanyang kasikatan ay hindi dahil sa kanyang mga numero kungdi dahil sa mga kontribusyon niyang intangibles.
Bagama’t maraming NBA greats na sumasandal sa kanilang height at athletic ability na hindi lahat ay mayroon, ang laro ni Curry ay base sa kanyang angking katangian na puwedeng i-improve—ang shooting, dribbling at passing.
Ang pagkakaiba lang ay walang player ang may angkin ng tatlong ito di tulad ni Curry na kayang dominahin ang court para lumakas ang Golden State Warriors na ngayon ay binabantayan na sa NBA.
“The way that I play has a lot of skill but is stuff that if you go to the YMCA or rec leagues or church leagues around the country, everybody wants to shoot, everybody wants to handle the ball, make creative passes and stuff like that,” ani Curry. “You can work on that stuff. Not everybody has the vertical, or the physical gifts to be able to go out and do a windmill dunk and stuff like that. I can’t even do it.”
Hindi nakakapag-dunk si Curry pero ang kanyang performance sa nagdaang taon na naghatid sa Golden State sa unang titulo sa loob ng 40 years para sa record-setting start ngayong season ang nagbigay sa kanya ng The Associated Press 2015 Male Athlete of the Year.
Si Curry ay nanguna sa botohan ng mga U.S. editors at news directors sa bila-ngan ng boto na ini-release nitong Sabado.
Kahanay na niya sina LeBron James, Michael Jordan at Larry Bird na mga basketball players na nanalo ng naturang award sa loob ng 85 years.
Tinalo ni Curry si golfer Jordan Spieth, nanalo ng dalawang majors at American Pharoah na siyang unang kabayo na nanalo Triple Crown sapul noong 1978.
Bagamat nalama-ngan ni American Pha-roah ng tatlong boto si Curry, 24-gulang, lumabas si Curry sa 86 percent ng 82 ballots na top five candidates. Mahigit one-third ng voters ay wala si American Pha-roah sa kanilang listahan.
- Latest