^

PM Sports

Araña nahaharap sa suspensyon

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dahil sa kanyang pagsiko sa mukha ni Alaska forward Calvin Abueva noong Miyerkules ay po­sibleng maharap sa sus­pen­syon o multa si San Miguel guard Ryan Araña.

Nakatakdang bumisi­ta si Araña sa opisina ni PBA Commisisoner Chito Narvasa sa Martes para hi­­ngin ang kanyang paliwanag.

Nangyari ang insidente sa pagtatapos ng first quarter kung saan nag-aa­gawan sa puwesto sina Ara­ña at Abueva.

Ang ginawang pagsi­ko ni Araña sa mukha ni Abueva ang nagresulta sa kanyang Flagrant Fould 2 na awtomatikong pagsibak sa laro.

Tinalo ng Aces ang Beer­men, 103-97, para pi­gilan ang seven-game win­ning streak ng San Mi­guel pati na ang pag­dak­ma sa unang outright se­mifinals berth.

“Hindi ko iniisip na si­nadya niya iyon, basta ma­saya ako at nanalo ka­mi sa game,” sabi ni Abueva.

Tumapos ang dating San Sebastian Stags star na may 17 points at 11 rebounds para sa pang-wa­long panalo ng Alaska na nagpalakas sa kanilang tsansa para makuha ang outright semifinals ticket.

“Unintentional naman ‘yun. Hindi naman natin ginawa ‘yun para masaktan siya,” sabi naman ni Ara­ña.

ABUEVA

ACIRC

ANG

ATILDE

CALVIN ABUEVA

COMMISISONER CHITO NARVASA

FLAGRANT FOULD

RYAN ARA

SAN MI

SAN MIGUEL

SHY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with