^

PM Sports

Sinopla ng bagyong ‘Nona’ ang karera noong Martes

Pang-masa

MANILA, Philippines – Kahit pa umuulan nitong Martes ay maagang nag­sipuntahan ang mga racing aficionados sa kani-ka­nilang paboritong off-track betting stations.

Pero naging sagabal sa ating pagdiskarte ang moonsoon rains na dala ng bagyong si Nona.

Signal number one lang naman sa Kalakhang Maynila, pero sapat na ang buhos ng ulan para mag­dulot ng baha na nagpatrapik sa mga karerista.

Bunga nito ay naudlot ang panalo ng apat sana sa walong karerang nagawa ng handicapping office. Ang mga sinasabi natin na lamang sana sa panalo noong Martes ay ang Hook And Rules, Mrs. Jer, Vice Chancellor at coupled runners My Bilin at Chanson D’Or.

Kahapon naman ay makulimlim ang panahon.

Pero wala namang ulan na bumubuhos at kung mag­papatuloy ang pagbuti ng panahon ay sigura­dong matutuloy ang karera.

At may tatlo nga tayong napipisil na pupuntos kagabi. Iyon ay ang Sweet Child Of Mine, Role Model at Purple Ribbon.

Ngayong gabi ay lilipat naman sa San Lazaro Leisure Park dito sa Carmona Cavite ang karera.

Pitong karera naman ang nagawa ng handicapping office na eksakto para sa paborito nating winner-take-all.

May tatlong kabayo rin ang sinisilip na iiskor. Ang una nga ay itong Cinderella Kid na isa ring stakes campaigner at pag-aari ni Neil Velasco at ki­nukundisyon ni JMP Jacob at ipinaubaya kay C.P. Henson ang renda.

Ang Bull Session na gagabayan naman ni Jo.B. Hernandez ang siyang magiging mahigpit niyang kalaban sa may 1,300 metro distansiyang karera, habang ang iba pang kasali ay ang Wanderlust, Think Twice, Appointment, Grace Park Boy at Sig­ma’s Treasure.

Napipisil rin na makakaulit ng panalo ang Splash Of Class na pag-aari at kinukundisyon ni Tek Heng Chua. Si R.M. Ubaldo naman ang siyang mamamatnubay sa kanya sa isang class division group-1B. Ang mga katunggali ay ang Real Po­gi, Master Maker, Toscana, Isobel, Herran, Mag­dapio at I’m Your Lady.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANG BULL SESSION

CARMONA CAVITE

CHANSON D

CINDERELLA KID

GRACE PARK BOY

HOOK AND RULES

KALAKHANG MAYNILA

MASTER MAKER

SHY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with