Ravena, Teng nagpakitang Gilas sa Doha 3-on-3 FIBA All Stars
MANILA, Philippines – Nagpakitang gilas sina Kiefer Ravena at Jeron Teng upang bigyang saya ang mga manonood sa 2015 FIBA 3×3 All-Stars sa Gharafa, Doha sa Qatar noong Sabado nang kanilang pangunahan ang Philippines sa 18-11 panalo laban sa under-18 3×3 ng host nation.
Bilang guest ambassadors sa one-day spectacle kasama sina NCAA stars Bright Akhuetie ng Perpetual Help System Dalta Altas at Ola Adeogun ng San Beda Red Lions, nagpamalas ng ‘di malilimutang performance ang mga Pinoy sa harap ng mga Filipino crowd.
Agad silang umabante sa 4-0 at di na lumingon pa tampok ang dunk ni Akhuetie na nagpayanig sa rim.
Ang two-time UAAP MVP na si Ravena ay isa rin sa mga judge ng 3×3 All-Star Dunk Contest na pinagwagian ni Porter Maberry at Justin Darlington ng Team Americas. Si Boney Watson naman ang nanalo sa QBF Shootout Contest.
Ang FIBA 3on3 All Stars exhibition ay isang international basketball event na nagtatampok sa mga best players sa 3x3 Individual World Ranking.
- Latest